LYRICS

VERSE 1
Ang buhay ay
Guhit na walang kulay
Kapag Hesus, hindi Ka kasabay

Ako’y nalulungkot
Gusto ko nang makalimot
Higpit yapos, yakapin Mo Hesus

PRE-CHORUS
Naniniwala, damang dama Kita
Di Ka man nakikita
Patak ng aking luha
Pag-ibig Mo’y nagbibigay saya

CHORUS
Wag mawawalan, sa’Yo may pag-asa pa
Ipaubaya bigat na dinadala
Bibitaw Ka man, ngunit wagas na pagmamahal
Buhay ko’y iaalay sa’Yo

VERSE 2
Di ko ginusto
Na ako ay mabilanggo
Hesus, ako ngayon ay tulungan Mo
Pinagsisihan ang kasalanang mga nagawa
Buhay ko ngayon binago Mo na

PRE-CHORUS
Naniniwala, damang dama Kita
Di Ka man nakikita
Patak ng aking luha
Pag-ibig Mo’y nagbibigay saya

CHORUS
Wag mawawalan, sa’Yo may pag-asa pa
Ipaubaya bigat na dinadala
Bibitaw Ka man, ngunit wagas na pagmamahal
Buhay ko’y iaalay sa’Yo

BRIDGE
Hesus, Ikaw aking Panginoon
Tutungo ako kung saan Ka paparoon
Pinintahan Mo na ng makulay ang madilim kong buhay
At sa’Yo ngayo’y iaalay, Ikaw Hesus ang Tulay


SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

VIDEO