LYRICS
VERSE 1
Ang nais mo’y mabago ang buhay mong kay gulo
Humahanap ng kalutasan at tamang daan
REFRAIN 1
Subalit ika’y bigo sa lahat ng nais mo
Sulirani’y dumarating sa buhay mong angkin
CHORUS 1
Hahayaan ba ang buhay mo ay tangayin ng panahon
Hahayaan bang masayang ang bawat takbo ng oras
VERSE 2
Pinipilit mong abutin ang nais mong marating
Ang dulo ng iyong pangarap kaligayaha’y hanap
REFRAIN 1
Subalit ika’y bigo sa lahat ng nais mo
Sulirani’y dumarating sa buhay mong angkin
CHORUS 1
Hahayaan ba ang buhay mo ay tangayin ng panahon
Hahayaan bang masayang ang bawat takbo ng oras
VERSE 3
Kung nais mo’y pagbabago makakamit kay Cristo
Ang nais na kapayapaan sa kanya makakamtan
REFRAIN 2
Sa kanya’y di mabibigo sa kanya ang pangako
Sa problema mong inaangkin kanya itong lulutasin
CHORUS 2
Hayaan na ang buhay mo ay ialay kay Cristo
Pangarap na kaligtasan sa kanya makakamtan
CHORUS 1
Hahayaan ba ang buhay mo ay tangayin ng panahon
Hahayaan bang masayang ang bawat takbo
ang bawat takbo ng oras
END
Ang nais mo’y mabago ang buhay mong kay gulo
Humahanap ng kalutasan at tamang daan
No comments yet