LYRICS

VERSE 1
Diyos, Ika’y pasasalamatan
Sa’Yo’y may tunay na kalayaan
Kalayaang ‘di mababayaran ninuman
Kami’y malayang mag-awitan
Kami’y malayang magsayawan
Sa piling Mo kami’y malaya
Malayang lubusan

CHORUS
Kami’y magpupuri sa’Yo
Makikiisa sa buong mundo
Mga malayang Pilipino
Pinuspos Mo ng pag-ibig Mo

VERSE 2
Naging alipin ng kasalanan
Bisyo, sakit at kahirapan
Ang pag-asa namin ay kamatayan na lang
Ngunit nang Ika’y nakilala
Nagkaroon ng bagong pag-asa
Ngayon kami’y malayang-malaya

CHORUS
Kami’y magpupuri sa’Yo
Makikiisa sa buong mundo
Mga malayang Pilipino
Pinuspos Mo ng pag-ibig Mo


Written by: Arnel Cadeliña


SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *