LYRICS

VERSE 1
Ang puso ko’y puno ng sigla
Hesus basta’t kasama Kita
Lalong gumagaan ang bawat umaga

VERSE 2
Sa paglubog ng araw
Papuri ko’y isisigaw
Maging sa aking pagtulog
Kasama ko’y Ikaw

CHORUS
Ikaw pa rin ang hanap ko
Ikaw pa rin ang nais ko
Hinding hindi ipagpapalit
Kahit anong alok ng mundo

Walang ibang sasambahin
Walang ibang pupurihin
Ang pag-asa ng buhay ko’y
Ikaw pa rin

VERSE 3
Sa aki’y walang maghihiwalay
Sa pagmamahal Mong tunay
Maging kamatayan man o buhay

VERSE 4
Gutom man o sakit
Magunaw man itong daigdig
Ang pag ibig Mo sa akin ay
Di mayayanig

CHORUS
Ikaw pa rin ang hanap ko
Ikaw pa rin ang nais ko
Hinding hindi ipagpapalit
Kahit anong alok ng mundo

Walang ibang sasambahin
Walang ibang pupurihin
Ang pag-asa ng buhay ko’y
Ikaw pa rin


SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

VIDEO