LYRICS

VERSE 1
Panginoon dakila Ka
Kung wala Kay wala kaming magagawa
Tulad namiy nalayo Sayo
Dahil sa sala na di Mo gusto

CHORUS 1
Nalayo kami Sayo Aming Panginoon
Naligaw ng landas ng mahabang panahon
Kadiliman ang aming nasumpungan
Nag hahanap kami ng kasiyahan

VERSE 2
Bagamat akoy nalayo Sayo
Minahal Mo parin at hinanap ako
Nais Mo lamang ang katugunan ko
Base sa biyayang ibinigay Mo

CHORUS 2
Kaligtasan ay Iyong ibibigay
kung kamiy tatanggap at magpapasalamat
Kaligtasan ay laan sa lahat
Sa lahat ng nais tumanggap

BRIDGE
Salamat po Panginoon Sa Iyo
Puso koy natutuwang umaawit dahil Sayo
Kaya ngayoy narito sa Iyo
Itataas kaluwalhatian Mo


SHARE

Your email address will not be published. Required fields are marked *

VIDEO