LYRICS
VERSE 1
Ang bawat tao sa mundo ay nagkasala
At bawat kasalanan kamatayan ang kabayaran
Nalalaman mong itoy katotohanan
Ang nais moy mabayaran sa sariling paraan
PRE-CHORUS
Subalit hindi natin kaya
Pagkat tayoy di karapat dapat
Ang tangi lamang kabayaran ng kasalanan
Nang ibigay ng Dios ang biyayang walang hanggan
CHORUS
Sinugo Sya ng dahil sayo
Doon sa kalbaryo dugo Nyay nabubo
Si Hesus ay ibinigay sa atin
Upang sa kasalanan tayo ay tubusin
VERSE 2
Dahil sa pagmamahal ng Dios sa atin
Ang nais Nya ikaw at akoy makapiling
Subalit ang taoy matigas ang kalooban
Umiisip gumagawa ng sariling paraan
PRE-CHORUS
Subalit hindi natin kaya
Pagkat tayoy di karapat dapat
Ang tangi lamang kabayaran ng kasalanan
Nang ibigay ng Dios ang biyayang walang hanggan
CHORUS
Sinugo Sya ng dahil sayo
Dugo Nyay nabuhos upang tayoy matubos
Ang nais mong kaligtasan
kay Hesus itoy iyong makakamtan
Si Hesus ay ibinigay sa atin
Upang ang kaligtasay ating makamit
TAG
Upang ang kaligtasay ating makamit
Upang ang kaligtasay ating makamit
Sinugo Sya sa atin
No comments yet